Sabado, Setyembre 21, 2013

ISANG HAKBANG

Isang araw habang ako'y naglalakad
Sa isang lugar ako'y napadpad
Inikot-ikot ko ang aking paningin
Pero ito'y 'di pamilyar sakin

Una ito'y tahimik at walang buhay
Pero may isang dumating, sa'kin umakbay
Puro ngiti ang nakaguhit sa labi nya
At alam kong sa piling nya ako'y sasaya

Kami naglakad, palayo ng palayo
At sa bawat hakbang, may kaibigang bago
Subalit lahat ng yugto ay may hanggan
Marahil, 'di ko na sila mahagkan kinabukasan

Kami'y nagpaalam na sa bawat isa
Baka ito narin ang huling pagkikita
At kahit iwanan man ako dito
Masaya akong sila ang nakasama ko

Ngayon sa bagong pahina ng aking libro
Marami na akong isusulat pang kwento
Mga saya, lungot at pagbabago
Na sa akin ay magpapatatag ng husto

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento